3 Barangay sa bayan ng Basud apektado ng ASF, mahigit 100 baboy pinatay

CAMARINES NORTE – Tatlong  barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte ang apektado ngayon ng African Swine Fever (ASF) ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO).

Ang mga positibong kaso ay nagmula sa Mampili na mayroong dalawa habang may tig- isang kaso naman ang Matnog at Binatagan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Municipal Agriculturist Harry James Felomino na nagsagawa na sila ng depopulation sa mga apektadong lugar kung saan aabot sa 170 baboy na pasok sa 500 meter radius ang pinatay batay sa panuntunan ng Department of Agriculture (DA).

Umaabot naman sa 36 na hog raisers ang naapektuhan ang kabuhayan.

Sabi ni Felomino halos lahat o 90 % ng mga pinatay na baboy ay naka- insured sa Philippine Crop Insurance Corporation.

Maglalaan naman umano ang Lokal na Pamahalaan ng tinatayang nasa P300K para mabigyan ang mga apektadong hog raisers na hindi naka- insured ang mga alagang baboy.

Sa kabila nito sinabi ni Felomino na wala pang pangangailangan na ideklara ang state of calamity sa naturang bayan dahil sa ASF.

Inilahad rin ni Felomino ang mga dahilan kung bakit muling kumalat ang ASF sa naturang bayan na matagal- tagal ding walang naitalang kaso.

Nagpaalala naman ang MAO sa mga hog raiser na pairailin ang bio- security para mapigilan ang pagkalat ng ASF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *