Magkakasunod na power interruption sa ilang Barangay sa Goa at Lagonoy sa Partido Area, magpapatuloy ngayong linggo

CAMARINES SUR – Magpapatuloy ngayong linggo ang tatlo pang araw na magkakasunod na power interruption sa ilang barangay sa bayan ng Goa at Lagonoy sa Partido Area.

Sa abiso ng Camarines Sur Electric Cooperative (CASURECO IV), nagsimula na kahapon, Enero 28 ang mararanasan pang brown out hanggang Enero 31 sa mga upland barangay ng Goa at norteng coastal naman ng Lagonoy, na tumatagal ng halos walong oras, simula alas otso ng umaga hanggang alas cinco ng gabi.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sinabi ni Rodel Sical, ang tagapagsalita ng Casureco IV, ang pagsasaayos ng mga linya at kawad ng kuryente bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño, ang pangunahing dahilan ng sunod-sunod na brown out.

Paalala naman ng Casureco IV sa mga apektadong residente na huwag basta-basta gumalaw ng mga linya ng kuryente kahit  pa may scheduled power interruption upang maiwasan ang anumang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *