Bahay ni Congressman Rodriguez sa Cagayan de Oro hinagisan ng granada

Hinagisan ng granada ang bahay ni House Deputy Speaker, Cagayan de Oro 2nd District Congressman Rufus Rodriguez sa 12th, 30th St. Barangay Nazareth sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon kay Barangay Nazareth Peace and Order Committee Chairman Glendelyn Miole-Reyes, ang watchman umano ng bahay ng Kongresista ang unang nakakita sa granada kaninang madaling araw.

Hinawakan pa ng watchman ang granada sa pag-aakala na isa itong plastic, kalaunay nakompirma nila isa palang itong peligrosong bagay.

Mabuti nalang anyang hindi na ito sumabog. Napag-alaman na wala nang safety pin sa granada.

Kaagad naman itong idinulog sa otoridad dahilan upang rumisponde ang Explosive Ordnance Division, Scene of the Crime Operatives Regional Office 10, Police Station 9 Nazareth ng Cagayan de Oro City Police sa nasabing area.

Kinompirma naman ng kapolisan na wala ang pamilya ng Kongresista sa loob ng bahay at tanging mga watchman lang.

Sa panayam ng Brigada News FM Cagayan de Oro kay Congressman Rodriguez sinabi nitong wala siyang natanggap death threat.

Hindi naman isinasantabi ng Kongresista ang aggulong may kinalaman ito sa politika dahil plano nitong tumakbo bilang alkalde sa lungsod.

Umapela naman si Congressman Rodriguez sa pamunuan ng PNP-CDO para sa “full investigation ng insidente at maging sa kanilang seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *