Bersamin dumipensa sa Singapore trip ni PBBM para manood ng Formula One Grand Prix

Sinagot ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga batikos laban kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang naging Singapore visit para manood ng Formula One Grand Prix.

Ayon kay Bersamin, entitled naman umano ang pangulo para sa kanyang private time.

Mababatid na pinuna ng ilang grupo at indibidwal ang si Marcos dahil sa pagpunta ng Singapore para manoon ng naturang event, at tinawag ang naturang trip bilang “insensitive at unnecessary” sa gitna na iniinda pa ng bansa at ng mga kababayan ang epekto ng typhoon Karding.

Bagama’t inamin ng executive secretary kaugnay sa ginamit na pondo para sa naturang trip, ay binigyang diin nito na “irrelevant” para itanong ang naturang issue, dahil ginagawa naman umano ni Marcos ang duties bilang chief executive habang nasa abroad.

Pagbabahagi ni Bersamin, na nakausap ng pangulo ang maraming taon na nakapahalaga sa mga business activities ng bansa.

Una nang sinabi ng Malacañang na ang naturang visit ni Marcos ay“productive” dahil napagtibay pa nito ang ugnayan sa ibang mga dignitaries na dumalo sa naturang event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *