Bilang ng mga nag-avail ng modern jeep sa Bicol, nasa mahigit 100 pa lamang – LTFRB Bicol

LEGAZPI CITY – Nasa 160 pa lamang ang bilang ng mga nakapag-avail o nakakuha ng modern jeepneys sa buong Bicol Region.

Ito ang kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Bicol OIC Atty. Paul Vincent Austria sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Austria, halos kokonti pa lamang ang kumukuha nito sa rehiyon dahil hindi pa nakokompleto ang mga requirements na hinihingi sa kanila.

Sa tala ng ahensya, Sorsogon ang may pinakaramaming modern jeep na may 115 units; 25 sa Albay na kinabibilangan ng Ligao City at Tabaco City; Camarines Sur na may 15 units at sa 5 sa Aroroy, Masbate Aroroy.

Aniya, Sorsogon ang pinakamarami dahil sila pa lang nakapag-comply sa Local Public Transport Route Plan (LPTRP) at nakapag-organisa ng kooperatiba at franchise consolidation.

Sa oras na makompleto ang mga hinihingi sa mga driver o operator, agad silang makakapag-loan sa Land Bank of the Philippines o DBP para kumuha ng modernization jeepney.

Sinabi ng opisyal, sa report, umaabot sa mahigit PHP2.4M-PHP2.7M ang modern jeep at ito ay magdedepende sa manufacturer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *