Booster vaccination campaign ng Naga City mas pinalalakas pa dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19

NAGA CITY –Pagpalakas pa sa booster vaccination campaign sa Naga ang isa sa naging agenda sa ginawang regular meeting ng 27 barangay ng lungsod kahapon na pinangunahan ni City Mayor Son Legacion.

Sa ngayon kasi mababa pa ang bilang ng mga nagpapa booster shot sa lungsod sa lahat ng sektor o kaya sa lahat ng kategoriya.

Bukod pa diyan ang 2nd booster shot sa mga nasa priority groups tulad ng sa medical personnel, immunocompromised at mga senior citizens ay napakababa rin.

Mas kailangan na palakasin pa ang booster shots vaccination lalo pa at magbubukas na ang school year 2022-2023.

Hangad ng alkalde na mapataas pa ang nagpapabakuna sa lungsod dahil na rin sa patuloy na pagtataas muli ng mga kaso ng Corona Virus Disease sa Naga City at sa Camarines Sur na may mahigit 40 active cases na.

Kaugnay nito,ang mga barangay opisyal ng lungsod ay naghihintay na rin na mapasama sa schedule ng 2nd booster shot, isa na rito ang konseho ng Concepcion Grande na pinamumunuan ni Punong Barangay Michael Oliva.

Sa kanyang panayam sa Brigada News Fm Naga,sinabi nitong handa na silang magpa 2nd booster shot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *