CHED-Bicol, hindi pa bukas sa pagtanggap ng mga scholarship application para Academic Year 2021-2022

BICOL – INABISUHAN ngayon ng Commission of Higher Education o CHED-Bicol ang publiko na hindi pa sila bukas sa pagtanggap ng mga scholarship application para sa cademic year 2021-2022.

Sa isang public facebook post, inihayag ng komisyon na hindi sila tumatanggap ng mga aplikantge para CHED Merit-based Scholarship programs.

Gayundin magiging accessible ang Online Application portal para sa ang CHED Scholarship Programs o CSP oras na makapag anunsyo na sila ng pormal na pagbubukas nito.

Mahigpit din ang naging paalala ng CHED-Bicol na ang lahat ng application documents na ipinadala sa pamamagitan ng couriers at e-mails bago ang pormal na anunusyo ng pagbubukas ng scholarship application ay ikokonsiderang invalid.

Hindi rin umano tatanggap ng mga walk-in applicants bilang pagtalima health protocols at upang maiwasan na rin paghahawaan ng virus.

Bilang pagsasa alang-alang na din umano sa kapakanan at kaligtasan ng publiko at kanilang mga tauhan.

Samantala, pinayuhan ang mga Bicolano, partikular ang mga nagnanais na makabilang sa kanilang scholarship programs na bisitahin ang kanilang  official website na chedro5stufap.com at i-follow ang kanilang fb page para sa latest updates at iba pang katanungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *