COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte bahagyang umakyat sa 68 percent

CAMARINES NORTE- Bahagyang umakyat sa 68 percent ang mga nababakunahan kontra COVID- 19  sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang alas 6 ng umaga nitong Miyerkules, Hunyo 6, 2022

Gayunman malayo pa rin ito sa target na 512, 997 na mabakunahan para maabot ng lalawigan ang 80 percent herd immunity.

Nanatiling mababa ang vaccination coverage sa priority group A2 o senior citizen na nasa 35, 303 o 64 percent sa target na 55, 004.

Sa kabilang dako, mataas na ang vaccination coverage sa  edad 12- 17 taong gulang na mayroon nang 59, 851 o 76 percent ng target na 78, 413.

Mataas- taas na rin ang vaccination coverage sa working age group na 18- 59 na mayroon nang   244, 173 o 74. 0 percent sa target na 330, 178.

Pagdating naman sa edad na 5- 11 taong gulang ay halos nasa sampung porsiento pa lang ang vaccination coverage.

Sa target na 97, 638 nasa 9, 503 pa lang ang nababakunahan.

Sa 12 bayan sa lalawigan, tatlo pa lang ang naabot ang herd immunity.

Ito ay ang San Vicente na mayroon nang 96. 3 percent immunization coverage, Daet na nasa 82. 3 at Basud na mayroong 80. 2  percent.

Abot kamay na rin ng Capalonga ang herd immunity na mayroon nang 79. 5 percent vaccination coverage.

Ang naturang apat na bayan ay isinailalim na ng IATF sa Alert Level 1.

Nananatili naman mababa ang vaccination coverage sa Paracale na nasa 55. 3 percent, Sta Elena na nasa 57. 2 percent at Vinzons na nasa 59. 0  percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *