Dating senadora Leila de Lima – makalalaya na matapos ang halos pitong taong pagkakakulong

Pinayagan na ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 na makapagpiyansa si dating senadora Leila de Lima.

Ito ay kasunod ng pag-reverse ni Judge Gener M. Gito sa unang pag-deny ng dating judge na si Romeo Buenaventura sa petition for bail ng dating mambabatas at Justice secretary.

Matapos ang halos pitong taong pagkakakulong – pansamantala nang makalalaya si de Lima.

Itinakda ng Korte sa P300,000 ang piyansa.

Maaalalang ngayong hapon dininig ang natitirang drug case nito na inihain sa ilalim ng administrasyong Duterte.

PNP, hinihintay na lang ang kopya ng release order

Hinihintay na lang ng Philippine National Police ang kopya ng release order para sa pansamantalang kalayaan ni de Lima

Sa pulong balitaan ngayong hapon sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Col Jean Fajardo, base sa kanilang protocol sakaling matanggap na nila ang released order mula korte, sasailalim si De Lima sa physical at medical examination.

Sakaling maganda ang kondisyon ng dating senadora, ite-turn over naman siya sa kanyang abogado o pamilya.

Gusto matiyak ng PNP na ‘in good physical condition’ ang dating mambabatas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *