DENR hinimok ang publiko na makiisa sa gaganaping Earth Hour event

Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na isagawa ang “environmental stewardship” hindi lamang sa pamamagitan ng tradisyunal ng pagpatay ng ilaw tuwing ipinagdiriwang ang Earth Day.

Hinikayat ni DENR Acting Secretary Jim Sampulna ang publiko na makiisa sa Earth Hour event sa pamamagitan ng pag-off ng kanilang mga computer, television sets, air conditioning units, at non-essential lights mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi bukas March 26.

Ayon kay Sampua bukod sa pag-iingat sa sarili mula sa COVID-19 virus dapat gumawa din ng pamantayan upang pangalagaan ang planeta at ang mga tao na nakatira rito.

Una nang ibinunyag ni Sampulna ang pangako ng Pilipinas sa United Nations Framework Convention on Climate Changena magbabawas ng greenhouse gas emissions ng hangang 75 percent mula 2020 hanggang 2030.

Dagdag pa ng opisyal, makukuha lamang ng gobyerno ang layuning ito sa tulong ng publiko.

Upang maibsan ang epekto ng pagbabago ng klima, nangako si Sampulna na paigtingin ang pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000, Philippine Clean Air Act of 1999, at Philippine Clean Water Act of 2004.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *