DOH, may paalala sa optional masking

Hihintayin pa ng Department of Health ang magiging opisyal na order at guidance na magmumula sa Malacañang.

Ito ang reaksyon ng DOH matapos matalakay sa Cabinet meeting ngayong umaga ang nakatakdang pagtatanggal ng mask mandate sa mga indoor areas.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na bagamat inilahad nila sa Gabinete ang mga posibleng scenarios sa oras na magluwag na ng face mask wearing sa indoor areas – nilinaw nitong isa pa ring ‘collegial body’ ang IATF kaya marami pa ring mga concerns mula sa iba’t ibang sektor ang kino-consider nito.

Dahil dito, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na maliban sa pagsusuot ng face masks, marami pa ring mga ‘layers of protection’ na maaaring gawin ng mga Pilipino para maiwasan ang COVID-19 infection.

Kabilang na rito ang pagpapabakuna, patuloy na pagsunod sa social distancing, sanitation, ventilation, at pag-aalaga sa sariling kalusugan.

Idiniin din ng Kagawaran na dapat ay magkaroon pa rin ng self-assessment sa risk ng isang indibidwal lalo na’t papalapit na ang Undas at Holiday Season kung saan, inaasahang mapabibilis ang transmisison ng virus dahil sa paglabas ng mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *