Fingerlings, patuloy na ibibinigay ng BFAR sa mga fishpond owners sa Camarines Sur

NAGA CITY –Maraming mga fishpond owners sa San Fernando, Camarines Sur ang benipisyaryo ng libreng ipinamimigay na tilapia fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol na siyang isa sa pinagkukunan ng kabuhayan ng mga ito, bukod sa pagtatanim ng palay at paghahayupan.

Kinakailangan lamang na makipag-ugnayan ang mga ito sa Municipal Agriculture Office  (MAO) para mabigyan ng fingerlings, ayon na rin kay Allan Salvador ang head ng naturang opisina.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Salvador, sinabi nitong taun-taon naman ay laging napapasama ang kanilang bayan sa ganitong programa ng BFAR na malaking tulong naman sa mga taga barangay. Walang anumang hinihinging kabayaran ang ahensiya sa mga benipisyaryo kundi ang palakihin ang mga isda para maging kabuhayan na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *