COVID-19 outbreak sa Laos naitala malapit sa Chinese casino

Naitala ang “significant” COVID-19 outbreak malapit sa notorious Kings Romans casino sa Laos na pag-aari ng isang Chinese na inaakusahan ng US ng human trafficiking, wildfire at droga.

Ayon sa report, naitala ang cluster ng mga virus cases sa Tonpheung district mula sa mga taong iligal na pumapasok sa lugar kung saan binabalewala ng mga ito ang lockdown rules.

Maugong din ang mga balitang isang district task force ang inaakusahang iligal na nagdadala ng mga dayuhan sa Laos mula sa kalapit-bansang Myanmar at Thailand.

Matatandaan na tumataas ngayon ang kaso ng COVID-19 sa Laos partikular sa capital city na Viantiane.

Una nang isinara ang mga borders ng Laos noong nakaraang taon bilang bahagi ng paglaban sa pagkalat ng COVID-19 pero lumutang ang mga balitang nakakapasok pa rin ang mga dayuhan sakay ng mga ferry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *