Kumakalat na diumanoy pagbabago sa panuntunan epektibo ngayong January 16 sa Camarines Norte pinabulaanan ng IMT

CAMARINES NORTE- Walang katotohanan at isang Fake news ayon sa IMT ang isa na namang mensahe  na kumakalat ngayon sa Social Media

Ito’y may kaugnayan sa kumakalat na impormasyon mula umano sa kanilang tanggapan na magkakaroon ng pagbabago sa ilang mga panuntunan kaya ng pagsusuot umano muli ng face shiled bagong oras sa curfew at paghihigpit sa mga hindi pa bakunado at menor de edad

Ayon sa IMT, ang kumakalat na mensahe sa mga social media isang uri ng fake news na hindi dapat paniwalaan ng publiko

Bago pa ito ay una ng nilinaw ng CAMNORTE IMT ang isang facebook post nitong isang linggo na diumanoy isang kautusan ang ipapalabas ni Governor Edgardo Tallado na magkakaroon ng pagbabago sa oras ng curfew, public transportation at border checkpoint

Bunsod nito nanawagan si Unified Incident Commander Atty. Don H. Culvera. sa publiko na maging vigilante  at iverify ang mga impormasyon na nakukuha upang hindi mabiktima ng maling impormasyon

Ayon pa dito  hintayin ang opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan at huwag maniwala at huwag palaganapin ang mga hindi beripikadong  text messages / social media postings kaugnay sa mga isyung nabanggit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *