Lalake arestado sa buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Huli ang 46 anyos na lalaki sa ginawang buy bust operation sa Purok 1 Barangay 27 Victory Village lungsod ng legazpi.

Kinilala ang suspek na si Roosevelt Calinawan Persia residente ng Purok 1 Barangay Puro ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti ilegal drug operation sa nabanggit na lugar kung saan nagpositibo ang suspek sa ilegal na droga matapos pagbentahan nito ang poseur buyer ng isang pakete ng ilegal na droga sa halagang P1500.

Narekober sa kanya ang isang ilegal na droga at pera na ginamit sa buy bust operation.

Sa ngayon ang suspek ay inihahanda na ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at mananatili muna ito sa Legazpi city police station para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *