8 delinquent employer sa bayan ng Daet isinailalim ng SSS sa RACE

CAMARINES NORTE – Pinuntahan ng mga tauhan ng Social Security System (SSS) ang walong delingquent employers na isinailalim sa Relief Afforded to Challenge Employers (RACE) campaign para obligahin ang mga itong i- settle ang kanilang deficiency.

Sa walong employer na kinabibilangan ng trading, corporation, gasoline station, general merchandise at veterinary clinic, pito ang non- remittance ang violation at isa naman ang non- registration.

Aabot sa 47 empleado ang apektado at mayroong kabuuang collectible amount ang SSS na nasa P186. 758.

Sa Press briefing, ipinaliwanag ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na layon ng kanilang pagbisita sa mga erring employers na paalalahanan ang mga ito sa kanilang legal obligation s ailalim ng Social Security Act.

Ito na ang ikalawang beses na nagsagawa ng RACE ang SSS dito sa Camarines Norte at mayroon pang mga susunod.

Ayon kay Atty. Ma Charissa Velasco ng SSS Luzon Bicol Legal Department, mas nadagdagan pa ngayong taon ang RACE dahil ito ang nakita nilang epektibong hakbang para obligahin ang mga employer na gampanan ang kanilang obligasyon na mag register at mag remit.

Noong isang taon ay naibaba ng SSS sa 40 % ang delinquent employers nationwide at mula sa 92 billion na uncollected contribution noong 2022 ay naibaba ito sa P56 billion o 39 % noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *