Livelihood assistance, ipinagkaloob ng 2nd IPMFC sa mga dating NPA supporter sa Brgy. Villa Flor, Cauayan City

Nasa 72 heads ng egg laying chicken ang ipinagkaloob ng 2nd Isabela Police Mobile Force Company sa mga sumukong dating taga-suporta ng makakaliwang pangkat sa Brgy. Villa Flor, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PSMS Gisela Ydel, Community Affairs Unit PNCO ng 2nd IPMFC, ipinasakamay nila ang naturang pangkabuhayan para sa tinatayang mahigit 20 benepisaryo sa nabanggit na barangay.

Aniya, ito ay bahagi pa rin ng kampaniya sa NTF ELCAC sa ilalim ng EO#70 na layuning maabot ang mga mamamayan kahit sa mga pinakaliblib na lugar ng tulong pangkabuhayan.

Kasabay din nito ay ang pagkakaloob ng kapulisan ng feeds para sa mga alagang manok.

Ayon kay PSMS Ydel, sumailalim din sa pagsasanay ang mga benepisaryo upang matutunan kung paano ang pangalagaan ang mga egg laying chicken.

Tiniyak din niyang patuloy nilang susubaybayan ang mga ito upang ma-sustain ang ibinigay na pangkabuhayan at hinikayat na bumuo ng kooperatiba upang magkaroon ng mas maayos na sistema.

Aniya, patuloy naman nilang hinihimok ang mga nauna nang sumukong mga taga-suporta ng makakaliwang pangkat na hikayatin din nila ang kanilang dating kasamahan upang matamasa ang mga programa ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *