Mahigit 700 seniors ng Olongapo nakatanggap ng social pension mula DSWD

Nakatanggap na ng kanilang social pension ang mahigit pitong daang mga senior citizen ng Olongapo City kahapon.

Ito ay ang tatlong buwang pension mula sa Department of Social Welfare and Development na nagkakahalaga ng 1,500 pesos.

Ayon kay Olongapo CSWD Officer Jun Pascua, ang dating bilang ng mga benipisyaryo ng national government ay nadagdagan ng limampu.

Mula sa dating mahigit 600 ay umaabot na ngayon ng 747 ang mga benipisyaryo ng social pension ng DSWD.

Samantala, ang mga hindi nakarating kahapon na kasama sa listahan ay maaaring magtungo sa opisina ng CSWD sa Byernes mula 8am-12nn para makapag-pay out.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *