Mas mahigpit na border control, mas mainam kaysa sa extension ng travel ban- DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na mas mainam kung hihigpitan ang border control sa halip na palawigin ang travel ban dahil sa mas nakakahawang Delta coronavirus variant na unang na-detect sa India.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil na-detect na ang Delta variant sa 92 bansa.

Aniya, sinabi ng mga eksperto at napag-usapan na rin kasama ang iba pang opisyal na di kayang i-ban ng bansa ang lahat ng bansa na apektado ng Delta variant.

Di umano pwedeng i-isolate ang Pilipinas mula sa mga bansang ito.

Dagdag ni Vergeire, ang rekomendasyon ay hindi dagdagan ang bansang iba-ban ng Pilipinas kundi paigtingin ang ating border controls.

Mabaabtid na inextend ng Pilipinas hanggang July 15 ang temporary ban sa mga biyahero mula United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, at Bangladesh dahil sa banta ng Delta variant.

Sa ngayon, 17 kaso ng Delta variant ang nadetect na sa Pilipinas, lahat ng ito ay returning overseas Filipinos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *