Mga mapipiling paaralan sa Ligao City para sa limited face to face classes sa susunod na school year may selection process parin

LEGAZPI CITY – Ninanais rin ng lokal na Pamahalaan ng Ligao na lahat ng mga paaralan sa lungsod ay mapabilang rin sa limited face to face classes na ipinatutupad sa buong bansa.

Ayon Kay Mayor Patricia Alsua Gonzalez ng Ligao City, magiging selection process pa rin ang mapipiling paaralan para sa limited face to face classes.

Aniya, ang Department of Education (DEPED) Central Office ang pipili na mga paaralan para sa face to face classes at si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbibigay ng pahintulot na sila ay magsimula na.

Dagdag pa nito, naglabas rin ang Sangguniang Panlungsod ng resulotion na papayagan na magsagawa ng limited face to face classes ang nasa upland barangay at walang kaso ng covid 19.

Susundin pa rin ng City Government ng Ligao Ang anuman guidelines na ipapatupad sa mga paaralan para kaligtasan ng mga bata at guro.

Sinabi ng Alkalde na nakahanda pa rin na sumuporta ang mga ito sa pangangailangan ng paaralan sakaling payagan na makabalik sa normal na pag aaral ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *