Monitoring at profiling sa mga nagtitinda ng bigas sinimulan na sa ilang bayan sa Zambales

Nagsimula na ang Department of Trade and Industry kasama ang Local Price Coordinating Council sa ilang bayan sa Zambales sa monitoring and profiling sa mga nagtitinda ng bigas.

Nitong nakalipas na Martes, sa bayan ng Cabangan binisita ng Kagawaran at LGU ang kanilang pamilihan.

Ayon kay Municipal Agriculturist Mercy Capilo, sa kanilang pag-iikot ay may nakita silang nagtitinda ng regular milled rice sa halagang 41/kilo.

Sa kabila nito, base umano sa kanilang pakikipag-usap sa mga negosyante at ipinakitang resibo mula sa kanilang puhunan ay lugi pa ang mga ito.

Sadyang ibinababa na lamang sa nasabing presyo para sundin ang ipinatutupad ngayong price ceiling sa regular milled rice at well-milled rice.

Matatandaan, una nang sinabi ng DTI Zambales na ngayong linggo ay monitoring pa lamang sa mga retailers ang gagawin bilang bahagi na rin sa pagtukoy ng mga maaaring maging benipisyaryo ng ayuda mula sa gobyerno.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *