DRD, pangungunahan ang convergence ng PGA departments kaugnay ng pagsasapinal ng post-recovery programs para sa mga apektado ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Pangungunahan ng Disaster Response Desk (DRD) ang convergence ng Provincial Government ng Albay (PGA) Departments kaugnay ng pagsasapinal ng post-recovery programs para sa mga naapektuhan ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Kung matatandaan, isasapinal na ang nasabing recovery programs ng PGA para sa mga naapektuhang pamilya ng nasabing Bulkan.

Ang nasabing recovery programs ay kasalukuyang hinihintay na lamang ngayon ng PGA.

Sa isinagawang DRD meeting kamakailan, sinabi ni Provincial Information Officer (PIO) at concurrent Provincial Administrator na si Atty. Marylou Duka-Castillo ang deadline para gawin at tapusin ang recovery proposals ng bawat kinauukulang departamento, lalo na sa suportang pangkalusugan, pabahay, at kabuhayan para sa mahigit anim na libong (6,000) mga pamilya o nasa dalawampung libo (20,000) indibidwal na halos tatlong buwan nang lumikas matapos na itaas ang alert status ng Mayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *