Nararanasang init ng panahon ngayon sa Naga City, hindi pa basehan upang magsuspende ng klase – Mayor

NAGA CITY – Kinakailangan pa ng matinding basehan o dahilan upang tuluyang magsuspende ng klase sa lahat ng antas sa lungsod ng Naga.

Ito ang naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni City Mayor, Nelson Legacion, sa  kabila ng ilang hinaing ng mga guro lalo na ng mga estudyante dahil sa sobrang init na sa mga silid-aralan, na ilan ngang Lokal na Pamahalaan sa bansa nagsuspende na ng klase.

Aniya, wala pa sa puntong kinakailangan na magdesisyon, kailangan pa ang masusing konsultasyon, konsidirasyon at paliwanag ng isang eksperto. Kung sakali man na sobra na ang init na mararanasan at depende sa heat index, aaksyon at magpapalabas ng abiso.

Ang Principal naman ng Camarines Sur National High School na si Dr. Sulpicio Alferez III, sinabing nakamonitor sa kondisyon ng panahon at hindi pa kinakailangan na magsuspende, ayon naman kay Judith Samonte, Master Teacher 1, Officer in Charge sa Naga Central School II, pinaghahandaan ang mainit na panahon.

Sa ngayon, nasa 35 degree celcius ang heat index sa lungsod, habang ang ibang lugar, higit 40 na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *