Nominasyon para sa PCEO ng Maharlika Investment Corporation, bukas na

Bukas na ang nominasyon at application para sa mga nais maging President and Chief Executive Officer o PCEO ng Maharlika Investment Corporation o MIC.

Kabilang sa mga hinahanap na kwalipikasyon ng mga nais maging PCEO ay dapat may advanced degree sa Finance, Economics, Business Administration, o mga related firm at nagtapos sa mga reputable universities.

Preferred din na meron silang professional certification tulad ng CFA at CPA.

May minimum 10 years na experience sa finance o investment, at may atleast sampung taon na minimum na senior leadership role sa mga reputable financial institutions.

May malalim na pang unawa sa industriya, cash flow at capital planning management institutions, investment firms o kahit sa sovereign wealth fund kasama ang risk management.

Sa mga nais maging bahagi ng MIC, tatanggapin ang kanilang aplikasyon hanggang September 27, 2023.

Una nang tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na highly-competent, may good track record at outstanding integrity ang pipiliing mamuno sa pagpapatakbo ng sovereign wealth fund ng bansa.

Nitong buwan ng July nang lagdaan ng Pangulo ang kontrobersyal na Maharlika Investment Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *