NYC budget – inipit sa Kamara!

Inipit ng mga kongresista ang alokasyon ng National Youth Commission para sa susunod na taon matapos kuwestyunin ang pagganap nito sa mandato.

Di tulad ng Department of Interior and Local Government, hindi nakalusot ang budget ng NYC sa House Appropriations Committee nang igiit ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na nagsisinungaling si Chairperson Ronald Cardema.

Tungkol ito sa umano’y pagsasagawa ng surveillance ng NYC sa mga paaralan pati na sa mga kandidato ng Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na sa isang press conference ay ibinida ni Cardema na kahit kulang ang resources ay buhay ang kanilang adbokasiya na itigil ang umano’y recruitment ng mga rebelde sa kabataan.

Dahil walang confidential at intelligence fund ang NYC, ipinunto ni Manuel na hindi ito maaaring magsagawa ng surveillance kaya posibleng may realignment umano ng pondo.

Ngunit itinanggi ni Cardema na mayroon itong ganoong pahayag at imposible ang pag-surveillance lalo’t dalawa lamang ang empleyado ng NYC sa bawat regional office.

Hindi na ito ang unang beses na na-defer ang proposed budget ng NYC dahil noong 2022 ay ipinanawagan din ito ni Manuel kung hindi magbibitiw sa puwesto si Cardema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *