Pacquiao sumalang sa footwork drills sa Week 2 ng training camp

Inumpisahan na ng eight-division champion na si Senador Manny Pacquiao ang pagsasanay nito para palakasin ang kaniyang lower body kasama ang kaniyang strength at conditioning coach na si Justine Fortune.

Ito na ang ikalawang linggo ng training camp ng 42-anyos na boksingero sa Los Angeles.

Pinaghahandaan ng Filipino champ na makalaban si WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr. sa August 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, United States.

Kaugnay nito ay sinabi ng Hall of Fame trainer na si Freddie Roach na ikinatutuwa ni Pacquiao na mas pabor ang Las Vegas odds at media kay Spence.

Ipinunto ni Roach na lalo lang ginaganahan ang Filipino pride, ngunit aminado ito na posibleng si Spence na ang pinakamatindi nitong makakalaban, na dahilan anya kung bakit sa Pilipinas pa lang ay sinimulan na ni Pacquiao ang pagkokondisyon nito sa sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *