Pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival, gagawin lamang ng isang araw ayon sa Provincial Government

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) na isang araw lamang ang ilalaan ng Pamahalaang Panlalawigan upang gunitain ang ika 128 taong anibersaryo ng pagkatatag ng probinsya na gaganapin sa Oktubre 17, 2022. Uumpisahan ito sa isang misa sa Gibalon Magallanes at susundan  ng Baryo Fiesta sa Capitol Compound hanggang gabi kasabay ng pagtatapos na din ng aktitibdad.

Sa panayam ng Brigada News sa head ng PTCAO na si Bobby Gigantone, sinabi nito na maraming importanteng rason kung bakit hindi ipagdiriwang ng buong isang buwan ang Kasanggyahan festival ngayong taon kumpara sa mga nakapilas na taon.

Una na umano rito ang pag- iingat sa banta ng pandemya, pagsasaprayoridad ng mga under -developed o nagpapatuloy na mga proyektong imprastraktura sa lalawigan at pagiging pratikal pagdating sa pondong gagastusin na maaring ilaan na lamang sa mas mahahalagang proyekto. Aniya, base sa kanilang naging pag-uusap posibleng sa susunod na taon na lamang babawi ang Provincial Government sa pagpapagarbo ng mga aktibidad kaugnay ng naturang festival.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *