Paglabas at pagpasok ng poultry products, bawal muna

SORSOGON CITY – Ipinagbabawal muna ang pagtransport ng poultry products, pati mga alaga at wild birds, ayon sa Department of Agriculture.

Inilabas ang kopya ng kautusan sa social media account ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) ng Sorsogon, kung saan sinabi rito na huwag na muna umanong magbiyahe ng kahit na anong avian species at mga kahalintulad na produkto.

Nakapagtala umano ng kaso ng Avian Influenza sa ilang parte ng bansa, partikular na sa Bulacan, Pampanga, Laguna at Camarines Sur.

Sa kasalukuyan umano tanging mga pato, pugo, at ilang native na manok ang nakitaan ng sakit, subalit para maibsan ang potensyal na problema sa pagkalat nito, minabuti ng ahensya na maglabas ng nasabing guidelines.

Ayon sa kasulatan, suspendido ng 30 araw ang pagbibiyahe ng lahat ng uri ng ibon, kasama partikular ang manok-panabong, mula mainland Luzon papuntang MIMAROPA, Visayas at Mindanao.

Kailangan namang ma-disinfect muna lahat ng uri ng itlog bago payagang maibyahe.

May petsang Pebrero 24, 2022 ang kautusan at iiral ng 30 araw maliban kung may ilalabas na panibago ang ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *