Pagpapaliban sa BSKE polls, lusot sa House Panel

Inaprubahan na ng isang kumite sa Kamara ang pagppaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatada sana sa Disyembre.

Sa botong 12-2, lumusot sa House Commitee on Suffrage and Electoral Reforms ang mga panukala para i-postpone ang halalan.

Lahat ng 12 miyembro ng kumite ay pumabor na ipagpaliban ito sa unang lunes ng Disyembre sa 2023.

Tanging sina ACT Teachers party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel lang ang bumoto laban sa mga panukala.

Giit ng dalawang mga mambabatas, ang muling pagpapaliban sa halalan ay hakbang para mawalan ng karapatan ang mga botante na makapili ng kanilang nais iluklok ng mga barangay at SK officials.

Ang mga mananalong local officials sa December 2023 ay pormal na mauupo sa unang araw ng 2024 at magsisilbi sa loob ng tatlong taon.

Karagdagang pondo, hiniling

Nang tanungin si Commission on Elections chairperson George Garcia kung magkano ang matitipid ng gobyerno sa BSKE polls postponement, sinabi nitong aabot daw ito sa P8.449Billion.

Sa kabila niyan, kinakailangan pang madagdagan ng P5Billion ang pondo para sa mga gastusin sa continuing registration.

Muli naman nitong nanawagan sa mga mambabatas na sana raw mabigyan ng karagdagang pondo ang tanggapan.

Ito umano ay gagamitin bilang karagdagang budget sa mga honoraria na ibibigay sa mga guro at iba pang mga workers na magta-trabaho sa tuwing mayroong halalan.

Matatandaan kasing na-veto ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukala na layon sanang ma-exempt ang poll workers’ allowance sa mga mabubuwisan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *