Pagtalakay sa panukalang P213. 5 milyon annual budget ng LGU Basud inaasahang masisimulan ngayong linggo

CAMARINES NORTE- Inaasahang sisimulan na anumang araw ngayong linggo ang pagtalakay sa panukalang P213. 5 milyong annual budget ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte.

Batay kasi sa napagkasunduan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan noong nakaraang regular na sesyon, sisimulan ang pagtalakay sa budget pagkatapos ng kapistahan.

Mababatid na bumaba ng 13. 85 percent ang proposed annual budget ng naturang bayan kumpara noong 2022 dahil sa pagbaba ng National Tax Allocation bunsod na rin ng epekto ng COVID- 19 pandemic at implementasyon ng Mandanas ruling.

Sa ilalim ng proposed P213. 5 milyong budget, pinakamalaki ang allocation sa General Public Services na mayroong 109, 529, 116.00 o 50. 35 percent ng total General Fund Budget for 2023.

An opisina naman na may pinakamataas na total allocations sa ilalim ng General Public Services ay ang Municipal Mayor’s Office na may P54, 032, 158 pero mas mababa ng 8. 55 percent kumpara noong Fiscal Year 2022, gayundin ang Sangguniang Bayan na may allocation na nagkakalahaga ng P23, 498, 519.00 na may pagbaba naman ng nasa 10. 48 percent.

Ang iba pang components ng annual budget ay ang Economic Services na may 48, 513, 029.00 o 22. 72 percent ng annual budget.

Habang ang Social Services ay mayroong 42, 252, 113.00 o 19. 79 percent at ang other services ay mayroong 15, 258, 271 o 7. 14 percent ng annual budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *