PERANG TULONG SA PAMILYA NG NASUNUGAN SA CAGAYAN, NINAKAW NG SCAMMER

Nawala ang nalikom na tulong pinansyal para sa pamilya ng nasunugan sa Gonzaga, Cagayan matapos itong makuha ng isang scammer na tumawag lamang sa mga biktima.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, unang nagsagawa ng “raffle for a cause” si Ferdinand Arquero upang makalikom ng perang itutulong sa pamilya nu Arnel Hidalgo na nasunugan ng bahay kamakailan.

Inihayag ni Arquero na naisipan nitong maglunsad ng raffle upang matulungan ang pamilya ni Hidalgo na walang naisalbang kagamitan matapos tupukin ng apoy ang kanilang tahanan.

Aniya, umabot sa P15,000 ang nalikom na halaga kung saan agad niya itong inilipat sa Gcash account ng anak ni Hidalgo.

Kaugnay dito nagkaroon umano ng problema nang sinubukang ilabas ang pera kaya’t nasa P5,000 lamang ang na-cash out.

Kasunod nito ay mayroon umanong tumawag sa anak ni Hidalgo na nangakong magbibigay ng tulong pinansyal hanggang sa hindi namalayan ng anak ni Hidalgo na naibigay nito ang account at password nito sag cash sa taong tumawag.

Ikangulat na lamang ng mga biktima na wala na ang naiwang P10,000 sa kanilang gcash account at pinaniniwalaang na-scam ang mga ito ng caller.

Sa ngayon ay lumapit na sa kinauukulan ang mga biktima sap ag-asang ma-trace ang pagkakakilanlan ng scammer na tumawag sa kanila upang mapanagot at wala nang mabiktima pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *