Pito sa bawat sampung Pilipino – pabor sa PUV Modernization program

Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na napapanahon na para i-modermize na ang mga jeepneys sa kalsada.

Sa survey ng research and analytics firm na Capstone-Intel Corp. – lumabas na 70% daw, ‘o katumbas ng pito sa bawat sampung Pilipino ang sumusuporta sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Tanging 5% lamang ang nagbigay ng negatibong pananaw dito; habang 24% ang neutral.

Isinagawa ang survey nitong November 22-29.

Matatandaaang pinal na ang desiusyo ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi i-extend ang consolidation ng franchise para sa PUVM.

Pahihintulutan naman ng LTFRB ang mga road-worthy na jeepneys na makabiyahe mula January 2024, basta’t nakapag-consolidate sila bago ang deadline na December 31, 2023.

Maaalalang magkakasa raw muli ang MANIBELA at PISTON ng dalawang linggong tigil-pasada mula sa Lunes, December 18, hanggang sa December 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *