PNP naka-alerto sa pagsisimula ng taping ng “I Left my Heart in Sorsogon”

SORSOGON CITY – Naka-alerto ang boung hanay ng Pulisya sa lalawigan ng Sorsogon kaugnay sa pagsisimula ng mga gagawing taping at shooting ng teleseryeng ” I Left my Heart in Sorsogon” na pag bibidahan ng Sorsogon First Lady Heart Evangelista at mga artista mula sa Kapuso Network.

Sa isang pahayag, sinabi ng PIO ng Sorsogon Police Prov’l Office na si PLtc Charles De Leon na maging ang mga Barangay officials ay kanilang inalerto upang matiyak ang seguridad ng mga bisita.

Aniya, bahagi ito upang ipakita ng lalawigan na tourist friendly ang Sorsogon kung saan pinakapapel ngayon ng pulisya na tiyaking ligtas at malayo sa anumang insidente ang bisita na maikokonsiderang mga turista.

Nakadeploy na ngayon ang hanay ng kapulisan sa bawat bayan lalo na sa mga lugar na pagsasagawan ng mga shooting ng nasabing teleserye.

Nanawagan naman ang PNP sa mga Sorsoganon ng kooperasyon at huwag ipahiya ang lalawigan kung saan malaking pagkakataon umano ito upang ipakita na talagang ang lalawigan ay tatak ng isang tunay na “Character City of Bicolandia.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *