PSA, target makagawa ng dalawampung milyong digital national IDs bago matapos ang taon

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapag-generate ng higit 20 million na e-Phil ID ngayong Disyembre.

Sa Laging Handa public briefing, iniulat ni PSA Officer-In-Charge Fred Sollesta na 71.5 million na mga Pilipino na ang nakapag-register sa National ID sa ilalim ng ‘step 2 registration’.

Ayon sa PSA , mayroon nang 23.6 million e-Phil ID na nai-issue.

Sa kasalukuyan, ang pre-generation ng ahensya ay nasa 11.5 million na.

Sa datos na ito, sinabi ni Sollesta na ‘on-track’ ang kanilang opisina para sa target sa pagtatapos ng taon.

Paglilinaw ng OIC, na ang sinasabing e-Phil ID ay ‘version 2’ ng digital ID na printed form.

Hinikayat naman ni Sollesta ang publiko na maaari nilang bisitahin at i-check sa website ng ahensya ang kanilang e-Phil ID gamit ang transaction slip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *