QC enforcement board, inatasan nang mag imbestigasyon para matiyak na mapapanagot ang pulis na namaril

Inatasan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang People’s Law Enforcement Board na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon para matiyak na mapapanagot ang isang pulis na sangkot sa pamamaril-patay sa isang lalaki sa isang painuman sa Novaliches, Quezon City.

Sa isang pahayag, sinabi umaasa ang Alkalde na hindi sasantuhin ng PNP si Patrolman Edwin Rivera Simbiling, na ngayo’y nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at nahaharap sa kasong murder at illegal possession of firearms.

Mariin din niyang kinondena ang insidente at nagparating ng pakikiramay sa pamilya ng biktimang si Chrismel Serioso.

Titingnan ng lokal na pamahalaan ang tulong na maaaring maipagkaloob sa kanyang pamilya, lalo na sa pagkamit ng hustisya.

Wala rin aniyang puwang sa PNP at sa kanilang lungsod ang pulis na nakagawa ng krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *