SC, inutos sa COMELEC at Rappler na sumagot sa petisyon ng OSG

Inutos ng Korte Suprema sa Commission on Elections at Rappler na maghain ng kanilang mga komento kaugnay sa petisyon para ipawalang-bisa ang voter information campaign agreement ng dalawang organisasyon.

Noong nakaraang linggo ay hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa kataas-taasang hukuman na i-void ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng poll body at Rappler na nag-otorisa sa news site na magbigay ng election-related na impormasyon para sa May 9 elections.

Mula noon ay sinuspinde na ng Comelec ang implementasyon ng agreement bilang resulta ng petisyon ng OSG.

Inihayag ni Calida na isang dayuhang korporasyon ang Rappler at ang partisipasyon nito sa halalan ng Pilipinas sa pamamagitan ng MOA ay makokonsidera bilang foreign interference, na labag sa election laws ng bansa at sa 1987 Constitution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *