Sen. Ejercito, nilapitan umano ng mga whistleblower hinggil sa pharma firm scam

Tiniyak ni Senate Committee on Health and Demography, Vice Chairperson, Senador JV Ejercito na maghahain siya sa susunod na linggo ng resolusyon na naglalayong paimbestigahan ang di umano’y modus ng mga pharmaceutical companies.

Ito ay alinsunod sa paglapit sa kanya ng ilang whistleblowers nitong mga nakaraang dalawa o tatlong buwan.

Ayon sa senador, base sa mga reklamo ng mga whistleblowers, sangkot dito ang mga doktor kung saan inirereseta nila ang sariling import nilang gamot sa kumpanya kahit hindi naman ito kailangan ng mga pasyente.

Dagdag pa niya, tila networking o pyramiding din ang nangyayari rito na siyang mas lumakas nitong pandemya.

Ayon sa senador, ang inirereklamong kumpanya ng mga whistleblowers ay ang Bell-Kenz Pharma Inc. na siyang nag-iimport ng mga gamot para sa hypertension, diabetes at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *