Senate Deliberation ng Maharlika, posibleng sa Pebrero pa umpisahan – SP Zubiri

Posibleng sa Pebrero pa ng susunod na taon matatalakay ng Senado ang panukala para sa pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri matapos ang mabilis na pagkakalusot ng panukala sa ikatlong pagbasa ng Kamara kahapon.

Ayon kay Zubiri, maaari raw kasing sa January 23 pa ng susunod na taon pormal na maire-refer ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kanilang bersyon ng bill.

Matapos nito ay aaralin pa ito ng Senado at tska ire-refer sa iba’t ibang kumite kabilang na ang Committee on Banks, Financial Institutions, and Currencies, ni Senador Mark Villar.

Ang naturang panel ang magsisilbing ‘lead committee’ habang magiging secondary panels naman ang Committee on Government Corporations and Public Enterprises ni Senador Alan Peter Cayetano; at ang Committee on Ways and Means ni Senador Win Gatchalian.

Aniya, ire-respeto nila ang tamang protocol ng Senado at ipauubaya na niya sa kamay ni Villar ang magiging pamamahala sa deliberation ng bill.

Sa huli, muling tiniyak ni Zubiri na bubusisiin itong mabuti ng kanilang Chamber at hindi ito mamadaliin.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *