Top Regional MWP ng Region 4A, nearesto sa Sto. Domingo, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ng mga otoridad ang isang lolo sa Brgy. San Isidro, Sto. Domingo, Albay dahil sa patung-patong na kaso.

Kinilala ang akusado na si alyas “Boning”, 76 anyos, magsasaka mula sa Lucban, Quezon.

Ayon sa report, pinuntahan ng mga kapulisan ang kinaroroonan ng akusado kasabay ang Lucban MPS at isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado ni Hon. Eloida De Leon-Diaz, Acting Presiding Judge ng RTC, 4th Judicial Region, Br. 54, Lucena City noong Mayo 6, 2013.

Nahaharap ito sa apat bilang ng kasong paglabag sa Sec. 5B of R.A. 7610 o child abuse na may piyansang P200K bawat isang kaso, dalawang bilang ng kasong paglabag sa Sec.5B of RA 8383 o panghahalay na walang piyansang.

Napag-alaman na ang akusado ay tinaguriang Top Regional Most Wanted Person ng Region 4A.

Sa ngayon, ito ay nakatakdang ibalik sa kanyang court of origin upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *