Truck driver, ligtas na nasagip sa isang nakalambitin na truck sa Louisville

Nasagip ng mga bumbero ng Louisville ang isang truck driver matapos mahulog ang minamaneho nitong truck sa gilid ng Clark Memorial Bridge.

Saad ni Louisville Fire Chief Brian O’Neill, mayroong humigit-kumulang 30 bumbero sa pinangyarihan upang ligtas na ma-resuce ang babaeng driver na malapit na sanang mahulog tulay.

Ayon naman sa Louisville Metro Police Department, nadamay sa insidente ang dalawang pampasaherong sasakyan, isang pickup truck, at isang commercial semi-tractor trailer.

Dalawang indibidwal ang dinala sa ospital matapos magtamo ng serious injuries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *