Tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo, programa ng provincial govt pinasiguro ni Vice Gov. Pingoy

KORONADAL CITY – PINASIGURO ni South Cotabato Vice Governor Arthur Pingoy Jr, na magpapatuloy ang mga programa at proyekto ng provincial government kahit nan aka-medical leave si Governor Reynaldo Tamayo Jr matapos itong isinailalim sa percutaneous coronary intervention (PCI).

Ayon kay Pingoy na habang nagpapagaling ang gobernador, ito ang magiging acting governor habang acting vice governor naman si Board Member Nilda Almencion upang hindi mahinto ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.

Ipinaliwanag din ni Pingoy, na isa ring doktor, ang proseso ng percutaneous coronary intervention (PCI) o mas kilala bilang angioplasty. Ayon sa opisyal na maging siya ay isinailalim sa naturang surgical procedure limang taon na ang nakararaan. Ayon sa opisyal na ito ay isang paraan upang matanggal ang bara sa blood vessel ng isang pasyente kung saan nilalagyan ng ‘stent’ o maliit na tubo ang coronary artery upang maging maayos ang daloy ng dugo papunta sa puso. Si Governor Tamayo ay nasa stable condition na ngayon at magpapahinga muna sa trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *