Yassi nilinaw na walang matinding away sa pagitan nila ni Nadine sa kabila ng issue sa kapatid na si Issa at James Reid

Nilinaw ni Yassi Pressman na walang matinding away sa pagitan nila ni Nadine Lustre.

Ito ay sa kabila ng napapaulat na relasyon ng ex boyfriend ni Nadine na si James at kapatid ni Yassi na si Issa.

Sinabi ni Yassi na nananatiling mabuting magkaibigan sila ni Nadine.

Nabanggit din daw niya kay Nadine na nagkakaroon na siya ng anxiety dahil sa kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanya ng mga netizens mula nang pumutok ang balita about Issa and James.

Matatandaang inakusahan noon ng mga JaDine fans si Issa na siyang dahilan ng breakup nina James at Nadine noong 2020.

Sa ngayon ay mukhang happy na rin si Nadine sa piling ng kanyang French businessman boyfriend na si Christophe Bariou.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *