Mahigit 500,000 na mga mahihirap na pamilya, naitala sa buong rehiyon batay sa 2019 Listahanan result ng DSWD Bicol

Aabot sa mahigit kalahating milyon o 541,137 ang natukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol bilang Pilipinong pamilyang mahihirap sa buong rehiyon batay sa 2019 Listahanan Result.

Batay sa datos ng ahensya na ipinakita ni Norman S. Laurio, DSWD Bicol Regional Director, ang nasabing bilang ng mga mahihirap na pamilya ay mula sa 1,162,476 na mga in-assess mula sa Listahanan kung saan ang may pinakamataas na naitala ay ang lalawigan ng Camarines Sur na may mahigit 180,000, sinusundan ng Albay na may 102,009.

Pagdating sa geographical classification, 84.58% ang naitalang mahihirap na pamilya mula sa rural areas habang 15.42% naman ang sa urban.

Samantala, tiniyak naman ng nasabing ahensiya ang mga tinukoy na mahihirap na pamilya mula sa resulta ng programa ay makakatanggap ng social protection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *