16 na curfew violators huli kagabi sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Aabot sa 16 na curfew violators ang na- rescue kagabi ng mga romorondang personahe ng Mercedes Municipal Police Station sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Dinala ang mga ito sa Agro Soprts Complex kung saan sila nagpalipas ng magdamag.

Alinsunod ito sa umiiral na Executive Order ni Governor Edgardo Tallado bilang bahagi ng pagpapatupad ng minimum health standards at safety protocol.

Kasabay din ng palagiang pagpapaalala hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards ay nag iisyu ng citation tickets ang PNP sa mga violators.

Batay sa case bulletin ng Municipal Health Office, umabot na sa 132 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19  sa naturang bayan.

Sa bilang na ito 33 ang aktibong kaso habang 13 naman ang nasawi.

Sa datos ng Department of Health nasa high risk level ang tatlong bed components sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nasa 71. 7 % ang nagamit na isolation beds, 83. 7 % sa COVID ward beds at  71. 4 % sa ICU beds.

Sa kabuuan sa 156 beds for COVID na inilaan ng probinsiya nasa 117 ang nagamit o 75 % na puno.

Paalala ng PNP sa publiko na sundin ang mga polisiya ng gobyerno sa paglaban sa COVID- 19.

Ganito rin ang paalala ng DOH sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit araw- araw.

(Photos: Mercedes MPS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *