2 inaresto dahil sa nagsusugal, nakuhanan ng baril sa Laguna

Arestado ang dalawang lalaking iligal na naglalaro ng bilyar at nakuhanan pa ng armas sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa Lakebreeze 1, Brgy. Looc, Calamba City, Laguna.

Kinilala ng Calamba City Police Station ang mga suspek na sina Ronaldo Alcantara Cortez at Dinnes Aganan Dao, pawang mga residente ng naturang barangay.

Ayon sa imbestigasyon, inaresto ang dalawa dahil sa paglalaro ng bilyar na inabot na ng umaga.

Matapos maaresto ay narekober ng mga awtoridad ang isang kalibre 38 revolver na baril na may anim na bala maliban pa sa mga gambling paraphernalia.

Narekober rin sa mga ito ang mga pera na ginamit bilang pantaya.
Maliban sa paglabag sa PD 1602 at kakaharapin rin ng isa sa mga suspek ang kasong paglabag sa illegal possession of firearms.

Kasalukuyang nakakustodiya ang mga suspek sa naturang himpilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *