2 PNP, haharap sa kasong administratibo at kriminal dahil sa kasong pagnanakaw at paglabag sa omnibus code of election

Binigyang-diin ni Cavite Police Provincial Office, Officer-in-Charge Police Colonel Eleuterio Ricardo na hindi nila kukuntsintihin ang anumang illegal na gawain ng kanilang tauhan.

Kaugnay nito, haharap sa patung-patong na kaso ang dalawang tauhan ng PNP na naging sangkot sa pangongolekta ng payola sa mga transport group sa Bacoor City, Cavite.

Ilan sa mga kasong kakaharapin ng mga ito ay ang robbery (extortion), paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Batas Pambansa Bilang 881 o Omnibus Election Code of the Philippines.

Maalala, sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ay nakasamsam ang mga ito ng entrapment money, mga iba’t ibang uri ng baril at bala, at maging apat na cellular phones na hinihinalang ginamit sa nasabing operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *