2 umano’y holdaper ng Senior Citizen nadakip sa Camarines Sur

NAGA CITY- Tumakbo man hindi  parin umobra sa mga otoridad at sa mga concerned citizen ang dalawang binatang pumukpok sa ulo at nagnakaw sa isang 66-anyos na magsasaka sa Tinambac , Camarines Sur.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni PSMS Rizalino Pante, imbistigador ng pangyayari na bandang alas 9:45 Dec. 13 ng umaga nang magsumbong ang biktimang si  Augusto Abiog, 66-anyos ng Pulang Daga Barangay Bataan na biktima umano siya ng panghohold-up.

Habang siya ang nag-aani ng kaniyang mga tanim na root crops,  lumapit umano ang mga suspek na sina Jomar Burce , 25-anyos at  Jefferson Portugal, 22-anyos ng parehong Barangay. Pinukpok aniya siya ng matigas na kahoy at nawalan siya ng malay. Nang magbalik ang malay-tao kaagad nitong kinapa ang nakasupot ng pera sa kaniyang tagiliran. Wala na ang inipon sa pag copra sa loob ng dalawang taon.

Sa imbestigasyon ng PNP kaagad na tumakas ang dalawa sakay ng habal-habal papunta sa terminal ng jeep patungo sa Naga City.

Pagbalik ng habal-habal driver saka pa lamang nito nalaman ang nangyari sa senior citizen.

Sa agarang pagresponde ng kapulisan natunton ang sinasakyang jeep, pero bago pa man tuluyang maabutan tumalon ang mga ito at tumakbo sa masukal na lugar. Nagkahabulan at sa tulong na rin ng mga residente nadakip sila ng PNP sa Barangay Cagsao sakop na ng kalapit bayan na Calabanga.

Hindi mabatid ng magsasaka kung bakit ito nagawa ng dalawa, gayung maayos naman umano ang pakikitungo niya sa mga ito. Baka aniya nagkainteres noong nakita nang nagbayad siya sa dalawa. Nabawi ang biktima ang pera ito pero hindi na ang buong halaga ng ninakaw.

Mahaharap aang mga binata sa kasong Robbery with Intimidation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *