20-anyos na lalaki, pinagbabaril-patay ng 3 lalaki sa Lucena city; 2 suspek, dedo

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng tatlong lalaki sa Barangay 8, Lucena City nitong Martes, Abril 2.

Ayon sa report, bigla umanong sinipa ng mga suspek na sina alyas “Bin Laden”, alyas “Soya” at alyas “Palos” ang pinto ng bahay ng biktimang si Michael Joshua Timajo, 20-anyos at doon na ito pinagbabaril.

Sa hot pursuit operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Sariaya, Quezon, pinaputukan ng mga ito ang mga suspek kung saan nasawi si Bin Laden at Palos habang naaresto naman si Soya.

Napag-alaman din na si Bin Laden ay pangunahing suspek sa isa pang insidente ng pamamaril sa nasabing lungsod noong Pebrero 12.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente at inaalam na rin ang motibo sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *