36 na kaso ng delta variant kumpirmado sa Calabarzon region -DOH4A

Kumpirmadong may 36 na kaso na ng covid19 delta variant sa calabarzon region base yan sa ulat mula sa Department of Health Region 4A.

Sa mga lalawigan pinagmulan ng kaso, kabilang ang siyam sa Cavite particular sa Imus, Cavite City, General Trias, Silang at Carmona; labing pito naman mula sa  Laguna sa mga bayan ng  Bay, Los Baños, San Pedro, San Pablo at Calamba City habang anim ang nagmula sa Batangas partikular mula sa Bauan, Lemery, San Juan at Lipa City, apat naman sa Rizal, nakita ang variant sa Cainta at Rodriguez, wala pa naman napapareport na kaso mula sa Quezon province.

Sa nasabing tala, tatlo ang sinasabing aktibong kaso, 21 ang nakarekober, 11 ang  inaalam pa habang isa naman ang hinihintay pa ang test result.

Kaugnay nito nagpakalat na si DOH Region 4A Director Dr. Eduardo C. Janairo  ng mga epidemiology at health emergency teams sa mga apektadong komunidad upang magsagawa ng mass swab testing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *