36 students, isinugod sa ospital dahil sa volcanic smog ng Bulkang Taal

Sinugod sa ospital ang mahigit 30 estudyante sa Mataasnakahoy, Batangas dahil biglang naglabas ng volcanic smog ang Bulkang Taal.

Ayon report ng mga otoridad nahirapang huminga at nahilo ang nasa 36 na mag-aaral dahil sa matinding usok na nag mula sa bulkan.

Dahil dito, pansamantala sinuspende ang klase sa mga paaralan na malapit sa paligid ng bulkan.

Sabi ng United States Geological Survey, ang volcanic smog ay isang uri ng air pollution, na binuo ng gas at aerosol ng maliit na particle at acidic droplets na nalilikha kapag ang sulfur dioxide at iba pang mga gas na ibinubuga ng isang bulkan.

Nagkakaroon ng kemikal na interaksyon sa sikat ng araw at atmospheric oxygen moisture at alikabok na maaring makaapekto sa kalusugan ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *